Disyembre 3, 1947 nang itanghal ang dula ni Tennessee Williams na may titulong “A Streetcar Named Desire” sa Broadway, New York, sa Ethel Barrymore Theatre.

Iprinodyus ni Irene Mayer Selznick at idinirehe ni Elia Kaza, tampok sa “Streetcar” ang sexuality at brutality sa entablado. Bida rito si Marlon Brando, 23-anyos noong panahong iyon, na gumanap bilang Stanley Kowalski, na hindi kasundo si Blanche DuBois (ginampanan ni Jessica Tandy).

Dito unang narinig ang sikat na sikat na pagsigaw ni Brando ng “STELLA!” sa Broadway stage na naging dahilan upang kilalanin siyang overnight star.

Ito ay kinapalooban ng mahigit 800 pagtatanghal.

Human-Interest

Kompanya, pinapahanap breadwinner na naiyak sa regalong panty ng nanay niya