Iniligtas ng Chinese Coast Guard (CCG) nitong Huwebes ng gabi ang dalawang mangingisdang Pinoy na tatlong araw nang nawawala makaraang pumalaot sa Scarborough Shoal o Bajo de Masinloc sa Zambales, iniulat kahapon ng Philippine Coast Guard (PCG).

Ayon kay PCG Spokesperson Commander Armand Balilo, Huwebes ng gabi nang matanggap ng ahensiya ang impormasyon na na-rescue na ang mga mangingisdang sina Morrey Sierra, 45; at Lloyd Akeiot, 37 anyos.

Sinabi ni Balilo na magtatagpo ang BRP Tubbataha at CCG 3301 ng China sa Bajo de Masinloc upang mailipat na sa PCG ang kostudiya sa dalawang mangingisda, na tinatayang makadadaong sa Subic nitong Biyernes ng gabi.

“Nagpapasalamat tayo sa China Coast Guard. Kahit na may ‘di pagkakaunawaan [sa territory] pero pagdating sa rescue OK sila,” sabi ni Balilo. “Kung Chinese fishermen ang nangailangan ng tulong at tayo ang nasa area, we will attempt to rescue. ‘Yan naman ang trabaho ng coast guard, regardless ng nationality and race.”

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?

Sakay sina Sierra at Akeiot sa isang walang markang motorbanca nang mawala sila nitong Martes.