Kapwa nasawi ang isang barangay administrator at isang waitress habang malubhang nasugatan ang empleyado ng Metro Manila Development Authority (MMDA) makaraang pagbabarilin sa magkahiwalay na lugar sa Quezon City, kahapon ng madaling araw.

Sa report ni Police Supt. Lito E. Patay, hepe ng Batasan Police Station 6, dakong 5:30 ng madaling araw nang matagpuang naliligo sa sariling dugo at wala nang buhay sa Sto. Dominggo Street, Barangay Holy Spirit si Rodante Sanchez, 51, ng No. 17 Sto Dominggo St., Bgy. Holy Spirit, Quezon City.

Ayon kay Annabel Ollere, residente, nakarinig siya ng mga putok ng baril sa naturang lugar at nang tingnan niya ay tumambad sa kanya ang duguang si Sanchez.

Samantala, dakong 3:00 ng madaling araw, nakita na lamang na wala nang buhay ang waitress na si Venieve Conje ng Samaka St., Bgy. Commonwealth, Quezon City habang malubhang sugatan ang MMDA volunteer na si Jimmy De Vera, 31, ng Cherry Blossom St., Payatas–A, Quezon City.

Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon

Lumitaw sa imbestigasyon na galing umano si De Vera sa Classic Bar sa may Kaunlaran St., Bgy. Commonwealth nang basta na lamang pagbabarilin ng armado ngunit si Conje ang napuruhan na naging sanhi ng kanyang pagkamatay. (Jun Fabon)