Inihayag kahapon ng Philippine National Police (PNP) na umabot na sa 2,004 ang napatay habang 38,587 ang naaresto sa magkakahiwalay na anti-drug operation sa bansa.

Sa ulat ng PNP kahapon, ito ang kabuuang bilang ng mga napatay at naaresto sa bansa simula noong Hulyo 1 hanggang Disyembre 1 ng kasalukuyang taon sa ikinasang 37,346 anti-drug operation.

Aabot sa 4,356,861 ang binisitang bahay sa ilalim ng Project Tokhang na kinabibilangan ng 61,371 pusher at 763,224 user.

Kinumpirma naman ng PNP na umabot sa 17 pulis ang napatay at 46 na pulis ang nasugatan sa kabuuang operasyon. Tatlong sundalo naman ang napatay habang 8 ang sugatan. (Fer Taboy)

‘Messenger.com,’ hindi na magagamit simula Abril 2026