CAMP RAFAEL C. RODRIGUEZ, Butuan City – Nakumpiska kahapon ng mga operatiba ng Surigao City ang mahigit P2 milyon halaga ng hinihinalang shabu, ang pinakamalaking nasamsam ng pulisya sa hilaga-silangang Mindanao nitong Nobyembre.

Tinutugis na rin ng pulisya ang dalawang hinihinalang tulak, na hindi muna pinangalanan at may-ari sa nasabing droga makaraang matakasan ng mga ito ang operasyon.

Ang pagkakasabat sa 181 gramo ng shabu ay matapos na i-tip ng isang residente ang guerrilla-type na operasyon ng dalawang suspek sa Narciso P. Reyes Street sa Barangay Taft, Surigao City, ayon kay Police Regional Office (PRO)-13 Director, Chief Supt. Rolando B. Felix. (Mike U. Crismundo)

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito