michael-v-copy

MAGAGANAP mamayang gabi ang awards night ng 21st Asian TV Awards (ATA) sa Suntec Singapore International Convention & Exhibition Center.

Nasa Singapore na si Alden Richards at sa Changi Airport pa lang ay mainit na siyang sinalubong ng mga tagahanga.

Tulad ng pagkakaalam ng marami, isa sa hosts ng ATA 2016 ang Pambansang Bae. He’ll be co-hosting the annual ATA event along with Adrian Pang, Stephanie Carrington at Baki Zainal.

Human-Interest

ALAMIN: Pagbibigay ng 13th month pay sa mga empleyado, paano nagsimula?

Si Alden ang kauna-unahang Pinoy celebrity na kinuha ng ATA to co-host the biggest TV event sa Asya. In the past, naging award presenters sina Boy Abunda (winner ng Best Talk Show Host in 2011) at si Dingdong Dantes (2010 nominee for Best Performance by an Actor for Stairway to Heaven).

Nag-iisang Philippine nominee ngayong taon para sa performance category si Michael V for his role in GMA’s Pepito Manaloto. For the record, ito ang ika-12 nomination ni Bitoy at siya rin ang may hawak ng record sa ATA for winning Best Comedy Performance by an Actor three years in a row (2004, 2005 at 2006) para sa longest-running gag show na “Bubble Gang.”

Taong 2001 nang unang mapansin ng ATA ang kahusayan ni Michael V sa comedy via Bitoy’s World. He scored a runner-up status sa kategoryang Best Performance by an Actor (Comedy) at sa taong 2004 una naman niyang nasungkit ang coveted trophy as Best Comedy Performance by an Actor; nasundan pa ito sa taong 2005 at 2006.

In 2007, naging runner-up si Bitoy. Pagdating ng 2008, ang co-actor niya sa Bubble Gang na si Ogie Alcasid ang nakakuha ng highly commended status.

Taong 2009, muling nakuha ng komedyante ang karangalan bilang highly commended. Nominado uli si Bitoy sa taong 2010 hanggang 2013 kung saan he again scored a highly commended status.

Pasok uli sa list of nominees si Michael V noong 2015 para sa Pepito Manaloto but lost.

This year, nag-iisa siyang nominado para sa performance category ng ATA at nawa’y mauuwi uli ng komedyante ang karangalan.

Samantala, ang GMA Network pa lang ang nag-iisang local TV network na nakakuha ng highest award sa ATA as Best Terrestial Channel of the Year.

In 2007, ABS-CBN Broadcasting was named runner-up bilang Terrestial Broadcaster of the Year, at sa sumunod na taon, ang Kapuso Network naman ang tumanggap ng Terrestial Broadcaster of the Year bilang highly commended.

This 2016, humina ang ani ng dalawang TV networks sa ATA. Tatlong nominasyon lang ang nakuha ng GMA, namely: Best Comedy Performance by an Actor/Actress (Michael V), Best Social Awareness Programme (Reel Time: Isinulat Sa Tubig), Best Comedy Programme (Bubble Gang); at isa lang para sa ABS-CBN: Best News Presenter/Anchor (Cathy Young para sa Market Edge ng ANC).

Best of luck sa lahat ng mga nominado.