LOS ANGELES (AP) – Pinagkalooban ng boxing license si UFC champion Conor McGregor sa state ng California, dahilan para lumakas ang sapantaha na matutuloy ang nilulutong duwelo kontra sa nagretiro nang si pound-for-pound king Floyd Mayweather Jr.

Ayon sa ulat ni Brett Okamoto sa ESPN, ipinahayag umano ni Audie Attar, agent ni McGregor sa UFC na nabigyan ito ng lisensiya upang lumaban sa professional boxing.

Kinumpirma nitong Huwebes (Biyernes sa Manila) ni California State Athletic Commission (CSAC) executive officer Andy Foster ang naturang ulat sa MMAFighting.com.

“He got a license today and a federal ID. He’s a California boxer now,” pahayag ni Foster.

National

Ilocos Norte, niyanig ng magnitude 4.0 na lindol

Nakopo ni McGregor ang featherweight at lightweight title para tanghaling kauna-unahang UFC fighter na nakagawa nito.

Tulad ni Mayweather, mabenta rin ito sa pay-per-view.

“I’d love to see him fight in California,” sambit ni Foster.

“It just needs to be the right opponent. Certainly a high-level opponent. We’re happy to license him. We’re happy he’s a California fighter.”