Naghain ng panukala ang mga party-list lawmaker na naglalayong isama ang mga magsasaka sa Social Security System (SSS).

Sa paghahain ng House Bill 2505, sinabi nina ABONO Party-list Reps. Viniber Nila Ortega at Conrado Estrella III na panahon na para iangat ang mga magsasaka sa pamamagitan ng social legislation.

“They are our unsung heroes. Their painstaking efforts and valuable contributions to our country and the Filipino people deserve a long overdue recognition,” anila.

Binigyang-diin nila na pagdating sa trabaho, ang sektor ng agrikultura ay may 10.93 milyong manggagawa sa kabuuang 36.42 milyong workforce, o katumbas ng 30 porsiyento ng total employment.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Layunin ng HB 2505 na amyendahan ang RA No. 8282, mas kilala bilang SSS Law, para maisama ang mga magsasaka sa coverage nito. (Charissa M. Luci)