Nagbida si FIL-Canadian Clay Crellin ng FEU-Nicanor Reyes Medical Foundation bilang pinakamahusay na scorer sa pagtatapos ng elimination round ng 2016 MBL Open basketball championship sa EAC Sports Center sa Ermita, Manila.

Hataw si Crellin, ang high-flying at slam-dunking forward mula Vancouver, Canada, sa natipang 131 puntos sa anim na elimination round games para magtala ng average na 21.8 puntos kada laro.

Ang 6-4 sensation mula Brackendale, natutong maglaro sa lugar na tinatawag na “No Name Road,” ay kumana ng 35 puntos sa 85-74 panalo ng FEU laban sa PBA D-League member Wang’s Ballclub.

Gumawa rin si Crellin ng 28 puntos laban sa New San Jose Builders, 26 laban sa Philippine Air Force, 17 laban sa Jamfy-Secret Spices, 13 laban sa defending champion Macway Travel Club at 12 kontra sa Emilio Aguinaldo College.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Sina Nikko Lao ng San Jose na may averaged 20.8 puntos at Jerome Garcia ng EAC na may 16.8 puntos, ang pangalawa at pangatlo para sa parangal.

Nakasama rin sa Top Five scoring leaders sina John Tayongtong ng Wang’s Ballclub, psng-apat sa 15.2 ppg at Darwin Cordero ng Air Force, pang-lima sa 14.7 ppg.

Ang iba pang prominenteng players na naglalaro rin sa MBL ay sina dating PBA player Jerwin Gaco, Egay Billiones, Eric Rodriguez, Roider Cabrera, Arnold Gamboa at Angelus Raymundo at imports Moustapha Arafat at Bright Akhuetie ng FEU-NRMF; ex-pro Nino Marquez at Jeff Sanders at E.J. Feihl at Mike Harry at Jimmy Brown ng Macway.