DAVAO CITY – Hinuli ng City Transport and Traffic Management Office (CTTMO) ang nasa 150 lumabag sa ordinansa ng siyudad laban sa jaywalking sa unang araw ng pagpapatupad nito kahapon, Disyembre 1.

Nahaharap ang mga lumabag sa pagmumulta ng P100 hanggang sa apat na oras na community service, batay sa ipapataw ng City Social Services and Development Office.

Sa mga unang araw ng pagpapatupad sa ordinansa, tututukan ng CTTMO ang apat na pangunahing intersection sa lungsod:

sa Matina Crossing, NCCC Mall sa Maa, Gaisano Mall, at Davao City Recreation Center sa Quimpo Boulevard.

Probinsya

Lalaki, nanaksak matapos maingayan sa motorsiklo noong Bagong Taon

(Yas D. Ocampo)