MALAKAS ang impact ng trailer ng Afternoon Prime ng GMA-7 na Ika-6 Na Utos lalo na ‘yung confrontation scene nina Sunshine Dizon at Ryza Cenon na hinihiram ni Georgia (Ryza) ang asawa ni Emma (Sunshine) na si Rome (Gabby Concepcion).

Sinundan ‘yun ng isang malakas na sampal ni Emma kay Georgia.

Maingay na sa social media tungkol dito dahil excited na ang fans ng tatlo at ang mahihilig manood ng teleseryeng tungkol sa pagkakaroon ng kabit ng mister at panloloko sa asawa. 

Marami ang nagpahayag na makaka-relate sila sa story ng Ika-6 Na Utos dahil biktima raw sila ng pangangaliwa ng asawa.

Tsika at Intriga

'Easy target si Bong Revilla kasi walang posisyon ngayon!'—Suzette Doctolero

“Hindi ko lang ito istorya. It’s a story of most women who are victims and suffering of their husbands infidelity. Sa teleseryeng ito matutulungan natin silang ipa-realize na marami silang puwedeng gawin at marami silang option sa buhay,” sabi ni Sunshine.

First time na makakatrabaho ni Ryza sina Gabby at Sunshine at maging si Direk Laurice Guillen. Makikipagsabayan na siya sa aktingan sa dalawa na mas senior sa kanya. Kahit kontrabida ang kanyang role, masaya at excited si Ryza dahil alam na marami siyang matututuhan sa tatlo.

“Nagpapasalamat ako kay Ate Shine dahil tinutulungan niya ako sa mahihirap kong eksena. Ganu’n din si Direk Laurice, gina-guide niya ako at kinakausap bago kunan ang mahihirap kong eksena. Okay lang sa akin kung kagalitan at sigawan niya ako,” wika ni Ryza. (Nitz Miralles)