baron-geisler-112916-copy

HUMAHABA ang isyu kina Baron Geisler at Ping Medina. 

Nagpainterbyu na si Ping at nag-react na rin si Baron sa post ni Film Development Council of the Philippines (FDCP) Chair Liza Diño-Seguerra at sabi nito, “Te, isa ka sa epitome of non-judgement. Bakit narinig mo lang may desisyon agad? Naroon ka ba? Plastic.”

Sagot ni Liza: “Kung plastic ako, hindi ako magpo-post ng ganito. Magpapaka-politically correct ako at magpe-pretend na hindi malaking bagay ang ginawa mong PAG-IHI sa mukha ng kapwa artista mo sa eksena. Whether may consent ng director mo o wala, the point is WALANG CONSENT ng co-actor mo ang ginawa mo! P’wede ba, ‘wag tayong maggaguhan.

Human-Interest

Kompanya, pinapahanap breadwinner na naiyak sa regalong panty ng nanay niya

Sinong matinong taong gagawa nu’n? Wala. Ikaw lang. Stop fooling yourself and finding excuses. Sa mundo mo lang ikaw ang BIDA, Baron. Sa realidad, kailangan ang respeto at pakikisama para bigyan ka ng respeto.”

Makatulong kaya kay Baron para magbago ‘pag nalamang marami sa mga kasama niya sa showbiz ang pumapanig kay Ping? May mga nag-suggest pa ngang ‘wag na siyang bigyan pa ng project at i-ban na sa projects.

May post pa si Baron sa FB na, “Hindi ako naapektuhan sa paninira. Picture ni Ping with da pakyu sign? So low. Lalo na sa mga naniniwala agad. Inspect... know the truth. ‘Wag mag judge agad. Plastic na industria. Tara!!! Lawyer up guys!!!” (Nitz Miralles)