Nobyembre 30, 1886, kasunod ng pagpapalit ng management, ipinalabas ang Folies Bergère sa Paris, France ang “Place aux Jeunes,” ang unang revue-style music hall show na kinatatampukan ng chorus girls na nakasuot ng maiksing damit.
Ilan sa mga nagtanghal ay sina Yvette Guilbert, Maurice Chevalier, Mistinguett, at African-American dancer-singer Josephine Baker na unang nagkaroon ng exposure sa Folies Bergère.
Pagsapit ng ika-20 siglo, unti-unting nababawasan ang isinusuot na damit ng mga babaeng Folies at ang costume ng show at ng set ay mas naging mapangahas.
Itinatag noong 1869 bilang isa sa mga pangunahing music hall sa Paris, nananatiling matagumpay ang Folies Bergère, kahit na patok na patok ang mga concert at iba pang pagtatanghal.