Mga laro ngayon

(Ynares Center-Antipolo)

4:15 n.h. – ROS vs Mahindra

7:00 n.g. -- Phoenix vs SMB

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Makasalo sa liderato ang sorpresang namumunong Blackwater ang kapwa tatangkain ng Rain or Shine at reigning champion San Miguel Beer sa kanilang pagsabak sa magkahiwalay na laro ngayon sa OPPO-PBA Philippine Cup sa Ynares Center sa Antipolo City.

Target ng Elasto Painters at ng Beermen ang ikalawang sunod na tagumpay, ang una kontra Mahindra Floodbusters sa ganap na 4:15 ng hapon at ang huli kontra Phoenix Fuel Masters sa tampok na laro ganap na 7:00 ng gabi.

Sa pamumuno nina reigning MVP Junemar Fajardo , Alex Cabagnot at Arwind Santos, pinadapa ng San Miguel ang Star sa opening day,96-88.

Umaasa si coach Leo Austria na patuloy na magbubunga ang ginawang pagpapakundisyon ng kanyang mga manlalaro sa off- season matapos nilang mabigong pumasok sa nakalipas na Governors Cup Finals.

“Siguro nakadagdag din ‘yun para dun sa desire nilang manalo, at sana hindi ‘yun magbago,” ayon kay Austria.

Para naman sa kanilang katunggaling Phoenix, magsusumikap itong bumawi sa naunang kabiguan na nalasap sa kamay ng Elite sa iskor na 87-94.

Inaasahan din ng mga fans ang pagsabak sa laro ng dalawang Gilas players ng magkabilang koponan na sina Arnold Van Opstal para sa Beermen at Matthew Wright para sa Fuel Masters na kapwa di nakalaro sa una nilang laban.

Sa unang laban, tatangkain naman ng Elasto Painters na masundan ang 101-87 na panalo nila kontra Talk N Text sa una nilang laban na wala na sa kanilang bench si coach Yeng Guiao. (Marivic Awitan)