SA gitna ng ingay sa larangan ng pulitika, dalawang magadang balita ang tinanggap ng sambayanang Pilipino. Ang una ay ang 7.1 porsiyentong paglago ng ating Gross Domestic Product (GDP) sa third quarter ng 2016. Ang ikalawa ay ang pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na inaprubahan na niya ang bagong listahan ng mga proyekto sa imprastruktura na nagkakahalaga ng kabuuang P270 bilyon.

Ang Pilipinas na ngayon ang pinakamabilis na lumaki sa mga pangunahing ekonomiya sa Asya. Ito ay isang bagay na dapat ipagmalaki kahit ng mga kritiko ng administrasyon.

Dinaig natin ang China, Vietnam, Indonesia at Malaysia, at nananatili tayo sa daan patungo sa 6 hanggang 7 porsiyentong paglaki ng GDP sa kabuuan ng taon.

Ang third quarter ang unang tatlong buwan sa administrasyong Duterte. Ang paglago ng ekonomiya sa panahong ito ay nagpapatunay na ang kampanya ng Pangulo laban sa bawal na gamot at sa kriminalidad ay nakatutulong upang maging ligtas at payapa ang pakiramdam ng mga mamamayan at mga negosyante.

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

Ang pondo na inilalaan para sa imprastruktura ay gugugulin sa pitong proyekto, kabilang na ang Second Cordillera Highlands Agricultural Resources Management Project, pagpapalawak ng Philippine Rural Development Project, pagpapaluwag at pagpapabuti ng General Luis-Kaybiga-Polo-Novaliches Road patungo sa Valenzuela City, konstruksiyon ng New Cebu International Port, South Line ng North-South Railway Project, stage 2 ng Malitubog-Maridagao Irrigation Project, at New Nayong Pilipino sa Entertainment City.

Ang paglalaan ng pondo para sa mga nasabing proyekto ay kasunod ng paglalaan ng P171 bilyon noong Setyembre para sa Ninoy Aquino International Airport Public-Private Partnership project, Metro Manila Bus Rapid Transit sa EDSA, first phase ng Metro Manila Flood Management Project, Inclusive Partnership for Agricultural Competitiveness project, second phase ng Maritime Safety Capability Improvement project para sa Philippine Coast Guard, New Bohol Airport Construction and Sustainable Environment Protection project, pagpapalaki ng passenger terminal building ng Bicol International Airport sa Albay, modernisasyon ng Eastern Visayas Regional Medical Center sa Leyte, at modernisasyon ng Gov. Celestino Gallares Memorial Hospital sa Bohol.

Sa aking pananaw, dapat bigyan ng kaukulang pagpapahalaga ang ginagawa ng administrasyong Duterte mula pa sa unang araw ng termino nito: ang pagpapanumbalik ng kapayapaan at kaayusan, paglaban sa katiwalian at pagsugpo sa kahirapan.

(Ipadala ang reaksiyon sa: [email protected] o dumalaw sa www.mannyvillar.com.ph) (Manny Villar)