Dumaan sa matandang kawikaan na butas ng karayom ang defending champion Macway Travel Club bago ang gabuhok na 100-99 panalo kontra Wang’s Ballclub sa makapigil-hiningang duwelo sa 2016 MBL Open basketball tournament kamakailan sa EAC Sports Center sa Ermita, Manila.

Nanguna ang mga dating PBA stars na sina Larry Rodriguez at Bonbon Custodio para sa Macway sa natipang pinagsamang 42 puntos para makamit ang No.4 spot sa Final Four.

Umiskor si Rodriguez ng 23 puntos, habang nag-ambag si Custodio ng 19 puntos para sa Macway, makakaharap ang top seed Emilio Aguinsldo College sa crossover semifinals ng kompetisyon na itinataguyod ng Smart Sports, Ironcon Builders, Bread Story, Dickies Underwear at Gerry’s Grill.

Kumana rin ang lima pang Macway player -- Pol Santiago, Nino Marquez, Jeff Sanders Mark Fampulme at Dan Natividad -- sa double digit na iskor para maibigay sa Macway, pinangangasiwaan nina consultant Braulio Lim, coach Daniel Martinez at manager Erick at Cathy Kirong, ang krusyal na panalo.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Subalit, ang matibay na depensa sa krusyal na sandali ang naging susi sa panalo ng Macway.

May pagkakaraon ang Wang’s Ballclub na agawin ang panalo matapos makuha ang bola may 11 segundo ang natitira, subalit nabigong makatira sa harap nang malapader na depensa ng Macway sa buzzer.

Bago ito, nakumpleto ni Mark Montuano ang three-point play mula sa perfectly-executed alley-oop pass ni Cedric Labing para sa isang puntos na bentahe may 20 segundo ang nalalabi.

Ang dating Mapua mainstay na si Mark Brana ang namuno sa kanyang 22 puntos para sa Wang’s Ballclub nina manager Alex Wang at coach Pablo Lucas

Iskor:

Macway (100) -- Rodriguez 23, Custodio 19, Santiago 14, Marquez 12, Sanders 8, Fampulme 7, Natividad 7, Dedicatoria 4, Espinosa 3, Viscarra 3, Laude 0.

Wang’s Ballclub (99) -- Brana 22, Labing-Isa 16, Sanga 15, Acosta 11, Tayongtong 9, Montuano 8, Lasco 5, Publico 5, Banal 3, King 3, Gomez 2.

Quarterscores: 28-23, 44-43, 79-76, 100-99.