Tinuluyan nang winakasan ng isang lalaki ang sariling buhay matapos nitong magbigti sa loob mismo ng kanilang tahanan sa San Andres Bukid, Maynila, kahapon ng madaling araw.

Ang bangkay ni Arnold Matilla, 26, electrician, binata, ng 2515 Radium Street, San Andres Bukid, ay nadiskubre mismo ng kanyang kapatid na si Mark, 22, technician, habang nakabigti sa hallway entrance ng kanilang tahanan.

Sa ulat ni PO2 Rey Rabut, na isinumite kay Police Supt. Jerry Corpus, officer-in-charge (OIC) ng Manila Police District (MPD)-Station 6, dakong 1:00 ng madaling araw, kauuwi lamang ni Mark galing sa trabaho nang pagpasok niya sa bahay ay bumungad sa kanya ang nakabigting kapatid.

Hindi umano nag-aksaya ng panahon si Mark at kaagad na ibinaba ang kapatid at tinangkang iligtas ngunit patay na ito.

National

Matapos rebelasyon ni Garma: Ex-Pres. Duterte, dapat nang kasuhan – Rep. Castro

Ayon kay Mark, maraming beses nang nagtangkang magpakamatay ang kanyang kapatid dahil sa mga personal nitong problema. (Mary Ann Santiago)