Inimbitahan ng House Committee on Health si dating Health secretary Janette Garin bilang resource person sa pagtalakay sa bisa at kaligtasan ng Tetravalent Dengue Vaccine ng Department of Health matapos mamatay ang dalawang estudyante na binakunahan noong Abril. Ang hakbang ng komite ay bunsod ng dalawang resolusyon na inihan ni Quezon Rep. Angelina Tan (HR 444) at Nueva Ecija Rep. Estellita Suansing (HR 480).

Layunin nitong suriin ang National Degune Prevention and Control Program; repasuhin ang proseso at rehistrasyon ng dengue vaccine, kabilang ang kontrata sa pagbili mula sa French pharmaceutical company na Sanofi Pasteur; suriin ang mga pananaliksik at pag-aaral tungkol sa bisa at kaligtasan ng bakuna; at isulong ang remedial measures tungo sa kaligtasan ng publiko. (Bert de Guzman)

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji