INIHAYAG na sa wakas ng Star Music head na si Roxy Liquigan kung kailan gaganapin ang nakatakdang concert ni Daniel Padilla sa 2017.
May titulong DJ Classics, ito’y magiging pre-valentine concert at magaganap sa February 5, 2017 sa Araneta Coliseum.
Kalalabas lang ng announcement, at sa hashtag “#DJPClassicsAtThe Araneta” pero naging top trending agad ito sa Twitter.
Ang DJ Classics ay pagbabalik-Araneta Coliseum pagkatapos ng pawang super successful na Daniel Live (2013), Daniel On Stage (2014) at Most Wanted sa SM Mall of Asia Arena last June.
Umaasa ang KathNiel fans na pagkatapos ng concert ni Daniel sa Big Dome ay kasunod na ang panibagong movie at tuloy na rin ang seryeng La Luna Sangre na inihayag sa katatapos na trade launch na sa 2017 din mapapanood.