Labis na nababahala ang China sa pagdetine ng gobyero ng Pilipinas sa 1,240 Chinese nationals na nahuling ilegal na nagtatrabaho sa bansa kamakailan.
Sa isang press briefing, sinabi ni Chinese Foreign Ministry Spokesperson Geng Shuang na nang kanyang malaman na idinetine ng Bureau of Immigration ang isang grupo ng Chinese citizens na nahuli noong Nobyembre 24 sa Pampanga, ay kaaagad na nagpadala ang Chinese Embassy sa Manila ng kinatawan upang matiyak ang maayos na kalagayan ng kanilang mamamayan at matalakay ang kaso alinsunod sa batas.
“We will continue to monitor closely the development of the situation, keep in touch with the Philippine side, and urge the Philippine side to properly settle the matter without delay,” ani Geng. (Roy C. Mabasa)