MAS magiging kumportable na ang mga overseas Filipino worker (OFW) mula sa Mindanao at Visayas na bumiyahe palabas ng bansa sa Clark International Airport (CRK) sa pag-aanunsiyo ng mga local at international airline na dinagdagan na ang mga biyahe sa CRK, ipinahayag ni Clark International Airport Corporation (CIAC) president Alexander Cauguiran nitong Lunes.

“With the launch of domestic and international flights starting December by the Philippine Airlines, increased flight frequencies by carriers such as Cebu Pacific and by other international airlines catering to OFWs, foreign-bound Filipino workers could avoid the monstrous traffic going to the Ninoy Aquino International Airport (NAIA) by flying through CRK,” ani Cauguiran.

Kasama sa mga international carrier na lumilipad papasok at palabas ng Clark ay ang Emirates, na nakatakdang ibalik ang araw-araw na flight papuntang Dubai simula sa Disyembre; Qatar Airlines, ang araw-araw na flight papuntang Doha; Dragonair, Hongkong; Tiger Air, Singapore; at Jin Air, Busan, South Korea. Cebu Pacific na patungong Macau, Hong Kong, at Singapore.

Sa kasalukuyan ay may 114 na domestic at international flight linggu-linggo ang CRK mula sa mga nabanggit na carrier.

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

Sinabi rin ni Cauguiran na mayroon na ring one-stop-shop malapit sa CRK sa Clark Freeport Zone para sa mga OFW, ayon

na rin sa pag-uutos ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Noong 2015, may kabuuang 122,473 OFW ang lumipad mula CRK. At nitong Enero hanggang Oktubre, 112,930 OFW ang lumipad mula Clark Airport.

Ayon sa statistics, aabot na sa 1.8 milyong OFW ang lumalabas ng bansa kada taon, at 6,000 ang lumalabas kada araw.

Bukod pa rito ang mga bumabalik na OFW sa bansa para magbakasyon o mga nagtapos ang mga kontrata.

Dahil sa matinding trapik, madalas na umaabot ng tatlong oras ang biyahe papuntang NAIA sa Parañaque City mula sa Quezon City, Caloocan, at iba pang lungsod sa Metro Manila.

“CRK offers a less stressful departure and arrival point not only for OFWs and other travelers, that could also help ease traffic in Metro Manila, particularly on roads leading to the airport,” sambit ni Cauguiran.

Mula sa Quezon City, isang oras lamang ang biyahe para makarating sa CRK sa tulong ng North Luzon Expressway (NLEx).

“Plans for a fast rail system from Metro Manila to Clark will make travel a lot faster,” dagdag ni Cauguiran. 


Nahimok sa “Build, Build, Build!” development plans ng administrasyong Duterte para sa Clark Airport, dumami ang bilang ng mga carrier na naglunsad o nagdagdag ng kanilang flight sa CRK.

Matapos ang negosasyon, inanunsyo kamakailan ni Cauguiran ang paglulunsad ng domestic at international flights mula CRK sa tulong ng national flag carrier ng bansa, ang Philippine Airlines.

Simula Disyembre 16, araw-araw bibiyahe ang PAL sa rutang Clark-Caticlan.

Pagsapit ng Enero, magbibigay serbisyo ang PAL sa Cebu, Davao, Cagayan de Oro at Busuanga. Nag-anunsiyo rin ito ng mga daily flight sa Incheon, South Korea sa susunod na taon. (PNA)