Tiniyak ni Philippine National Police (PNP) Chief Director General Ronald ‘Bato’ Dela Rosa na makikipagtulungan ang pulisya sa mga guro upang matiyak na magiging drug-free ang mga eskuwelahan sa bansa.

Ito ang mensahe ni Dela Rosa sa pagdalo niya sa “National Summit for Educators on Addressing the Threats to Campus Security and Safety” na pinangunahan ni Management Association of Security and School Officials (MASSO) Philippines chairman Dr. Bernard R. Ramirez, sa Philippine Normal University kahapon.

Sinabi ni Dela Rosa, ginawaran ng “Trophy of Triumph Against Drug Menace,” na sang-ayon siya sa ideya na ang mga guro ay dapat ding maging concern, hindi lamang sa pagbibigay ng edukasyon sa kanilang mga mag-aaral kundi sa pagtiyak ng kanilang kaligtasan at kinabukasan. (Mary Ann Santiago)

Musika at Kanta

'KZ Tandingan,' grand winner sa Kalokalike Face 4