Iginiit ni Senator Bam Aquino na dapat isama ang entrepreneurship sa mga programa para sa overseas Filipino workers (OFWs) upang matulungan silang magsimula ng sariling negosyo para hindi na kailangan pang mangibang-bansa.

Layunin ng kanyang Senate Bill No. 648 o ang Migrant Workers and Overseas Filipino Assistance Act na palakasin ang suporta para sa OFWs at kanilang pamilya.

Kapag naisabatas, idadagdag ang mga programa sa livelihood, entrepreneurship, savings, investments at financial literacy sa mga kasalukuyang programa ng mga embahada upang mabigyan ng sapat na kaalaman ang OFWs sa pagnenegosyo.

Inaatasan din ng Senate Bill No. 648 ang Public Attorney’s Office na maglagay ng help desk sa bawat international port of exit sa Pilipinas para magbigay ng serbisyong legal, tulong at payo sa papaalis na OFWs. (Leonel M. Abasola)

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'