TOKYO (AP) – Kinumpirma ng Japanese health authorities ang isang nakahahawang strain ng avian flu sa mga manukan sa dalawang prefecture sa hilagang Japan, at sinimulan ang pagpatay sa libu-libong manok sa apektadong farms.

Sinabi ng pamahalaan nitong Martes na na-detect ang mabagsik na H5 strain sa dose-dosenang manok na natagpuang patay sa isang chicken farm sa Niigata. Nagpositibo rin sa H5 ang mga namatay na pato sa isang farm sa Aomori prefecture.

Nilimitahan na ng mga opisyal ang paggalaw sa mga karneng manok at itlog sa mga apektadong farm.

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina