Lumasap ng unang pagkatalo si world rated Giemel Magramo ng Pilipinas sa 12-round unanimous decision kay WBC Silver flyweight titlist Muhammad Waseen ng Pakistan nitong Linggo sa Seoul, South Korea.

Pukpukan ang naging laban mula sa unang round at kung hindi nabawasan ng puntos si Magramo sa accidental headbutt sa ikaanim na round na nagpaputok sa kilay ni Waseen malaki ang tsansa niyang manalo.

“WBC Silver flyweight champion Muhammad Waseem of Pakistan retained his title by twelve round unanimous decision over WBC #15 ranked Giemel Megramo of the Philippines on Sunday afternoon at the Gwanakgu Hall in Seoul, South Korea,” ayon sa ulat ng Fightnews.com.

“The fight was an all-out war from round one through round twelve with numerous furious exchanges throughout,” dagdag sa ulat. “Waseem officially secured the victory by winning the 12th and final round on all three judges scorecards.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

The official scores were 114-113 twice and 117-110 all in favor to WBC #9 ranked Waseem.”

Bagama’t bumagsak ang record sa 17-1-0 , tampok ang 13 pagwawagi sa knockouts, inaasahang mananatili si Magramo sa WBC rankings bilang No. 15 contender. Nakalista rin siya bilang No. No. 10 contender sa IBF at No. 11 ranked sa WBO.

Nanatili namang perpekto ang rekord ni Waseem sa 5-0. Natamo niya ang bakanteng WBC Silver flyweight title sa pagdaig sa puntos kay three-time world title challenger Jether Oliva na isa ring Pilipino sa sagupaang ginanap sa Seoul, South Korea noong Hulyo 17, 2016. (Gilbert Espeña)