Itinakda ni Senator Panfilo Lacson sa Lunes ang pagpapatuloy sa pagdinig ng Senate committee on public order and illegal drugs at inaasahang makadadalo na si Ronnie Dayan, ang dating driver-bodyguard at umano’y bagman ni Senator Leila de Lima.

Ayon kay Lacson, layunin ng pagpapatawag kay Dayan na pagtagpi-tagpiin ang testimonya nito sa mga naunang pahayag naman ni Kerwin Espinosa, ang sinasabing pangunahing drug lord ng Eastern Visayas.

Hindi kasi nagtutugma ang mga pahayag ng dalawa hinggil sa alegasyon na nakakuha ng drug money si De Lima mula sa mga drug lord sa National Bilibid Prisons (NBP).

Tiniyak naman ni Lacson na hindi siya magtatanong ng tungkol sa personal na relasyon nina Dayan at De Lima dahil malayo naman daw ito sa iniimbestigahang pagpatay kay Albuera, Leyte Mayor Rolando Espinosa, Sr., ang ama ni Kerwin, sa loob ng piitan sa Baybay City. (Leonel M. Abasola)

‘Messenger.com,’ hindi na magagamit simula Abril 2026