amber-copy

BILANG paggunita sa International Day for the Elimination of Violence Towards Women, ibinahagi ng aktres na si Amber Heard ang kanyang karanasan bilang biktima ng domestic violence.

“I guess there was a lot of shame attached to that label of ‘victim,’” saad ni Heard sa emotional video na ipinost ng GirlGaze Project sa Facebook. “It happens to so many women. When it happens in your home, behind closed doors, with someone you love, it’s not as straightforward.”

“If a stranger did this it would be a no-brainer,” dagdag niya.

Human-Interest

ALAMIN: Pagbibigay ng 13th month pay sa mga empleyado, paano nagsimula?

Tuluyan nang nakipaghiwalay si Heard sa dating asawa na si Johnny Depp pagkaraan ng mahabang legal battle, at sinabi ni Heard na siya ay emosyonal at pisikal na inabuso ni Depp. Napagkasunduan ng dating mag-asawa na ayusin ang kaso sa halagang $7 million.

Mariing itinanggi ni Johnny Depp ang mga alegasyon ng domestic abuse o anumang pagkakamali na kanyang nagawa habang gumugulong ang kaso ng kanilang diborsiyo.

“As a women having gone through this in the public stage, in the public arena that I did it in, I have a unique opportunity to remind other women that this doesn’t have to be the way it is,” aniya. “You don’t have to do it alone.

You’re not alone, and we can change this.”

“We need to take responsibility for how we talk about these things,” ani Heard. “The only way people are going to feel comfortable coming forward, raising their voices and standing up for themselves, is if we change the system in place that keeps them quiet.”

“Speak up. Raise your voice. Your voice is the most powerful thing,” pagtatapos ni Heard. “We cannot and will not, any longer, accept silence.”

Nanahimik ang aktres simula Agosto nang maayos ang diborsyo. Gayunman, dumalo siya kamakailan nitong unang bahagi ng buwan sa Women of the Year ng Glamour Awards, nang basahin niya ang sanaysay na isinulat ng biktima ng sexual assault na si Brock Turner. (Entertainment Tonight)