Ron Dennison
Ron Dennison
Huwag balewalain ang pusong palaban nang isang kampeon.

Natikman ng Ateneo Blue Eagles ang lupit ng Far Eastern University Tamaraws, sa pangunguna ni Raymar Jose na tumipa ng 20 puntos at 23 rebound, para sandigan ang 62-61 panalo at maipuwersa ang do-or-die sa kanilang Final Four match-up ng UAAP Season 79 seniors basketball tournament nitong Sabado sa MOA Arena.

Nakatakda ang sudden death match sa Miyerkules sa Smart-Araneta Coliseum.

Nasa bingit ng kabiguan at naghabol sa 10 puntos sa kaagahan ng first period, kumawala ang Tamaraws sa impresibong 21-4 run, tampok ang dalawang free throw ni Monbert Arong para agawin ang 60-55 bentahe sa krusyal na sandali.

ALAMIN: Ano nga ba ang EBET Law na pinirmahan ni PBBM

Tangan ng Ateneo ang ‘twice-to-beat’ na bentahe bilang No. 2 squad sa Final Four.

Naghihintay ang La Salle sa championship round matapos patalsikin ng top seed Green Archers ang No.4 Adamson Falcons sa hiwalay na Final Four duel.

“I think the whole team was ready to pitch in,” pahayag ni FEU coach Nash Racela.

Iskor:

FEU (62) — Jose 20, Arong 13, Orizu 9, Comboy 8, Dennison 6, Inigo 4, Tuffin 2, Escoto 0, Trinidad 0, Ebona 0, Holmqvist 0, Nunag 0, Bayquin 0, Denila 0.

ADMU (61) —Black 11, Ravena 10, Asistio 9, Go 8, Verano 7, Ikeh 5, Mi. Nieto 4, Ma. Nieto 3, Wong 2, Porter 2, Tolentino 0.

Quarterscores: 10-10, 23-20, 35-42, 62-61.