MELBOURNE, Australia (AP) — Kumpiyansa ang Denmark na mapapanatili ang kapit sa liderato tungo sa kampeonato sa pagpalo ng final round ng World Cup.

Tangan ng tambalan nina Soren Kjeldsen at Thorbjorn Olesen ng Denmark ang apat na stroke na bentahe matapos umiskor ng two-under 70 para sa kabuuang 14-under 202 sa third round nitong Sabado sa Kingston Heath.

Tuluyan namang nalusaw ang tsansa nina Pinoy golf star Miguel Tabuena at Angelo Que sa naiskor na 77, sapat para malaglag sa hulihan ng standings tangan ang kabuuang 221 iskor.

Nanatiling buhay ang pag-asa ng Filipinos nang makaiskor ng 67 sa second-round four-ball.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

“Attack for sure. We try to take shots on and more so in the fourball. A lot of birdies are going to be made tomorrow, so we have to make birdies too,” pahayag ni Kjeldsen.

Tanging sina American Rickie Fowler at Jimmy Walker ang may tsansang makahabol sa Danes. Ang United States ang isa sa dalawang koponan na nag-break 70, sa naiskor na three-under 69.

“That’s a good place to be going into the last day,” pahayag ni Walker.

“I’m excited, I know Rickie’s excited and we’re looking forward to a good day.”

“It would be nice to be out front or a little closer, but with where we were coming into today, just putting up a solid round of golf was what we wanted to do. We did that and we gave ourselves a chance going into tomorrow. It’s going to take some good golf and some birdies, obviously, but it will be nice being in that final group to know exactly where we stand,” samba ni Fowler.