MALAKI ang posibilidad na makamit ng Pilipinas ang pagiging capital of the world sa paggawa ng ylang-ylang essential oil. Sa ngayon ay tuluy-tuloy ang pagtatanim ng libu-libong seedlings nito sa Ikalawang Distrito ng Pangasinan.
“Philippines used to be the world’s main supplier of ylang-ylang essential oil for perfume production. But through the years, its production has died when the French planted and produced better quality ylang-ylang trees in the Comoro Island using trees from the Philippines,” pahayag ni Cong. Leopoldo Bataoil.
Pinagsisikapan nang maibalik ang kaaya-aya at mamahaling halimuyak sa buong mundo kaya layong matamnan at mapuno ng mga puno ng ylang-ylang ang 1000 ektarya sa buong 2nd District ng lalawigan. Nagsimula nang magtulungan ang mga bayan ng Aguilar, Bugallon at Mangatarem sa pagtatanim ng seedlings nito.
Ang pagtatanim ng ylang-ylang ay proyektong isinusulong ni Cong. Bataoil katuwang si Fred Reyes na may-ari ng Chemworld, ang isa sa mga pangunahing perfume distributors sa bansa.
Ang layunin ay upang mabigyan ng kabuhayan ang mga mamamayan ng Pangasinan, makatulong sa pagtugon sa suliranin sa climate change, “and to bring back the glory of very own Phil ylang-ylang.”
Inaasahan na ang malawakang ylang-ylang planting project ay makakakahabol sa target na 1000 ektarya sa taong 2017 habang patuloy ang seedling production.
“If well taken cared of, a tree will yield 3 kilos of flowers weekly at P60 per kilo equals P180/tree/week. An extraction facility and a buying station will be put up by an investor in our district to assure planters of ready market,” sabi ni Cong. Bataoil.
Nakikibahagi rin ang Pilipinas sa pandaigdigang panawagan para sa environmental protection and climate change mitigation, at itinataguyod ang National Greening Program (NGP).
“The Philippines used to be the main supplier of ylang-ylang essential oil for perfume, but we lost that opportunity when other countries ventured into it,” dagdag pa ni Bataoil.
Inaasahan na magpapatuloy ang seedling production at transplanting sa ylang-ylang nursery sa Bueno, Mangatarem.
Tulad ng halaman na dahan-dahan ang pagtubo ay tiyak na rin ang katuparan sa pangarap na muling masaulian ng Pilipinas ang pagiging world capital for essential oil ng Philippine ylang-ylang. (LIEZLE BASA IÑIGO)
[gallery ids="209085,209084,209083,209081,209080,209079"]