Ni REGGEE BONOAN

Mercedes Cabrera
Mercedes Cabrera
HALOS lahat ng mga artistang sikat, noon at ngayon, ay gumawa at gumagawa ng pelikula sa Regal Entertainment na pag-aari ni Mother Lily Monteverde at lahat ng mga artistang ito ay iginagalang siya pati na rin ang kanyang buong pamilya na tumutulong sa struggling talents.

 

Kaya nga ‘Mother Lily’ ang tawag sa Regal producer dahil isang ‘ina’ ang tingin sa kanya ng lahat, at kung nagagalit o nakakapagsalita man ay hindi nangangahulugang galit siya kundi bilang pangaral lalo na sa mga taong nagkakamali ng desisyon sa buhay at marunong din siyang tumanggap ng sariling pagkakamali.

Human-Interest

Dating ALS learner, isa nang ganap na police officer

Kaya maraming ginulat ang indie actress na si Mercedes Cabral nang tawagin niya ng ‘f_ck_ng idiot’ si Mother Lily dahil lamang naglabas ng sama ng loob ang lady producer at nagpahayag na ang indie movies ay hindi para sa Kapaskuhan at may festivals nang nakalaan para sa mga ito. 

Ano nga ba ang masama sa sinabi ni Mother Lily? Kung naroon lang si Mercedes Cabral sa  Mano Po 7: Chinoy presscon at narinig kung paano sinabi ng Regal matriarch ang kanyang hinaing sa screening committee ng MMFF ay baka sumang-ayon din siya.

 Napakamalumanay ng paliwanag ni Mother Lily na nagsabi ring hindi siya kontra sa indie movies dahil siya ang orihinal na producer ng mga ito at sa katunayan ay sa kanya nagsimula ang mga tanyag na indie filmmakers na sina Lav Diaz at Jeffrey Jeturian pati na ang millennial indie filmmakers na si Jason Paul Laxamana na tumawid na rin sa mainstream.

Malaya ring maglabas ng sama ng loob si Mercedes Cabral kung hindi niya nagustuhan ang mga pahayag ni Mother Lily, pero hindi sa paraang murahin niya ang taong tiyak na mas may edad pa sa magulang niya.

 Hindi ba naturuang gumalang sa matanda si Mercedes Cabral? Ano kaya ang mararamdaman niya kung tratuhin din ng ganito ang magulang niya?