LAST DAY OF BAR -  Two bar takers hug each other before the start of the exam at the University of Santo Tomas, November 27, 2016 (Rio Leonelle Deluvio)Naging mala-piyesta man dahil sa dami ng mga dumating na examinees, kanilang mga pamilya at mga tagasuporta, ay natapos naman nang payapa ang huling araw ng idinaos na 2017 bar examinations sa University of Santo Tomas (UST) sa Sampaloc, Maynila kahapon.

Nagpatalbugan ang mga tagasuporta ng examinees sa pagsigaw ng pangalan ng kani-kanilang law school, habang bitbit ang mga karatulang may mensahe ng suporta para sa mga kumuha ng pagsusulit.

Sa kabila naman nito, naging payapa rin ang naturang insidente bunsod ng mahigpit na pagbabantay ng mga tauhan ng Manila Police District (MPD).

Naging maluwag ang daloy ng trapiko matapos na ideklarang “no parking zone” ang paligid ng UST at may mga nakabantay na mga tow truck na hahatak sa mga sasakyang iligal na magpaparada.

'Iconic women!' Pinakamalaki at pinakamaliit na babae sa buong mundo, nagkita!

Maging ang entrada ng unibersidad ay off limits sa well-wishers at ang mga bangketa ay inilaan lang para sa mga kukuha ng pagsusulit.

Halos 7,000 law graduates ang sumalang sa Bar Exams ngayong taon na nagsimula noong Nobyembre 6.

Inaasahan namang sa 2017 pa ilalabas ng Korte Suprema ang resulta ng bar exams.

Nabatid na noong 2015 ay nasa 1,731 o 26 porsyento ng examinees ang nakapasa. - Mary Ann Santiago