Tinalikuran ni Fidel Castro, anak ng isang mayamang may-ari ng lupain, ang marangyang pamumuhay upang pangunahan ang makakaliwang rebolusyon sa Cuba na inabot ng maraming dekada at hinubog ng kanyang tusong politika, masigasig na pagsulong sa kapalaran at walang hanggang pagpahalaga sa sarili.

Si Castro, namatay sa edad na 90, ay pinaghalong idealistic at realistic, matalino at walang ingat, charismatic at intolerant.

Para sa kanyang mga kritiko, siya ay maton at matigas ang ulo na lumabag sa mga karapatang pantao, nagpakulong sa kanyang mga kalaban, nagbawal sa opposition parties at nagwasak sa ekonomiya ng Cuba.

Para naman sa kanyang mga tagahanga, siya ay visionary na nanindigan laban sa paghahari-harian ng United States sa Latin America, naghatid ng healthcare at edukasyon sa mahihirap, at naging inspirasyon ng socialist movements sa buong mundo.

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina

Bago pa man pangunahan ang 1959 revolution na nagdala sa Cuba sa komunismo at sa entablado ng Cold War, nakikita na ni Castro ang kanyang sarili na dakila.

Sa murang edad ay hinangaan niya ang matatapang na pigura, partikular na si Alexander the Great, at naniniwala na siya at ang kanyang mga rebelde ay bahagi ng tradisyong ito.

“Men do not shape destiny. Destiny produces the man for the moment,” aniya noong 1959.

Pinag-isa niya ang watak-watak na oposisyon para patalsikin ang diktador na si Fulgencio Batista, tinalo sa diskarte ang mas malaki at mas armadong militar ng Cuba.

Ang kanyang pakikipag-alysansa sa Soviet Union ang naglagay sa kanya sa sentro ng Cold War, lalo na nang dalhin ng 1962 Cuban Missile Crisis ang mundo sa bingit ng nuclear war.

Tinatawag na “El Comandante,” siya ay global celebrity na nakilala sa kanyang balbas, military fatigues at malaking Cuban cigars.

Sa kanyang pagpanaw, magkahalo ang reaksyon ng mundo – may nagdiwang, may nagluluksa. Ngunit gaya ng kanyang sinabi, kasaysayan lamang ang maaaring humusga sa kanya.

Sa isang dokumentaryo ng US director na Oliver Stone, isinantabi ni Castro ang mga bansag sa kanya na “caudillo” o Latin American strongman. “I am a kind of spiritual leader,” wika niya.- Reuters