Respeto pa rin ang ibinabato ni Pangulong Rodrigo Duterte kay dating Pangulong Fidel V. Ramos, sa kabila ng sunud-sunod na bira ng huli sa Chief Executive.
“Former president Fidel Ramos, my number one critic and number one supporter and that is good. You know, decent and criticism would make this democratic country healthy,” ayon kay Duterte sa alumni gathering ng San Beda law graduates sa Taguig City kamakalawa ng gabi.
Magugunita na sinabi kamakailan ni Ramos na nakakadismaya ang Duterte government dahil napapabayaan na umano ang poverty alleviation at job creation dahil sa kampanya ng Pangulo laban sa ilegal na droga.
Hindi rin kumbinsido si Ramos sa pagsuporta ni Duterte na ihimlay sa Libingan ng mga Bayani (LNMB) si dating Pangulong Ferdinand E. Marcos, at matamlay na partisipasyon ni Duterte sa Asia Pacific Economic Cooperation (APEC) summit sa Peru.
Sa kabila nito ay pinupuri pa rin ni Duterte si Ramos. - Genalyn D. Kabiling