TAGUM CITY – Handa ang Davao del Norte na maging ‘satellite venue’ ng 2019 Southeast Asian Games.

Ayon kay Gov. Antonio del Rosario, world-class ang standard nang mga venue sa Davao del Norte Sports Complex, ngunit nakatuon ang kanilang pansin sa karagdagang hotel para sa accommodation ng mga international athletes.

“We’ve already had discussions with the Philippine Sports Commission with regards to possibly hosting the SEA Games in 2019,” sambit ni Del Rosario.

“We also have to consider that these are national athletes so hindi na pwede ang eskwelahan pang billeting so ang kailangan natin dito ay hotel. Unfortunately dun kami medyo short.”

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Halos 15 minuto lamang ang layo ng Tagum City sa Davao City kaya malaking tsansa pa rin na ikunsidera ang Davao del Norte bilang isa sa satellile venue.

“By land halos 15 to 20 minutes lang naman ang layo namin. Kaya walang problema kung ibibiyahe natin ang mga atleta mula sa Davao City,” aniya.

“But being realistic, we informed the PSC that we obviously cannot host the all games. So we’re looking at possibly hosting two or three games here in the sports complex,” ayon kay Del Rosario.

Kung papipiliin, nais ng Gobenador na mag-host sa swimming at dalawang combat sports.

“There was a proposal that SEA Games will be spread out throughout the country. So we’re just waiting kung ano yung sports we’re going to host,” aniya