Ni Beth Camia

Kung ayaw mamatay, magkulong na lang sa bahay ang mga adik at tulak, matapos na namang itutok ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang pansin sa ilegal na droga.

Nitong Sabado ng gabi, sinabi ng Pangulo na sa lalong madaling panahon ay mag-iisyu siya ng kautusan sa drug personalities na mag-lock sa loob ng kanilang bahay.

“In the coming days, I will make it a must, a mandate na lahat kayo na natamaan ng droga ‘wag kayong lumabas ng bahay. Wala man akong presohan, pumasok kayo sa bahay ninyo, mag-lock kayo. Pagka lumabas kayo, p---ina nyo papatayin ko kayo, ‘pag nakita ko kayong lumabas,” ayon kay Duterte sa San Beda Law alumni homecoming sa Bonifacio Global City sa Taguig City.

National

Ofel, mas humina pa habang nasa vicinity ng Gonzaga, Cagayan

P200 kada araw

Ang babala ng Pangulo ay kasunod ng ginawa niyang pagkuwenta sa perang umiikot sa droga.

Kung P200 ang ginagastos ng isang adik sa loob ng isang araw, ang 3 milyong adik ay gumagastos umano ng P216 bilyon kada taon.

“Where do they get P200 to sustain their (addiction)? They rob, they kill, hold-up dito sa Manila. Medyo ngayon wala na, but that’s only... for the moment lang ‘yan, takot kasi eh. Wala na ang mga istambay. How do we make it permanent?” ayon sa Pangulo.

NSC ang bahala

Samantala sa katapusan ng Nobyembre ay nakatakdang isumite ni Duterte sa National Security Council (NSC) ang final list ng mga personalidad na sangkot sa ilegal na droga.

Magpapadala rin siya ng kopya ng panibagong narco-list sa Senate President at House Speaker, kung saan nais ng Pangulo na bumalangkas sila ng plano kung papaano masasagip ang mga susunod na henerasyon laban sa droga.

Sa narco-list, kabilang ang matataas na opisyal ng gobyerno, hanggang sa barangay.

Hihingiin umano ng Pangulo ang tulong ng Senado, Kongreso at mga awtoridad para maresolba ang malalang problema sa droga sa bansa, alang-alang sa susunod na henerasyon.