Nobyembre 27, 1095 nang nanawagan si Pope Urban II sa lahat ng Kristiyano sa Europa na maglunsad ng digmaan laban sa mga Muslim para mabawi ang Holy Land, isang hakbangin na nag-udyok sa una sa maraming krusada.
Madalas ang paglalakbay ng mga Kristiyano sa sinilangan ng kanilang pananampalataya noong ikaanim na siglo, ngunit pinagbawalang makapasok sa Holy City nang kubkubin ng Seljuk Turks ang Jerusalem. Nang nagbanta itong sasakupin ang Byzantine Empire at kubkubin ang Constantinople, humingi na ng espesyal na apela si Byzantine Emperor Alexius I kay Urban para makakuha ng tulong — na na naging turning point para kay Urban.
Sa pagtatapos na ika-11 na siglo, naging sentro ng kaguluhan ang Holy Land (ngayon ay Middle East) at nagbunsod ng krisis para sa mga Kristiyano sa Europa. Noong 1099, dalawang linggo makaraang masakop ang Jerusalem ngunit bago pa naibalita sa Europa ang tagumpay ng mga Kristiyano, pumanaw si Urban.