TAGUM CITY -- “We are willing to host Batang Pinoy every year. We are even more bent on hosting it for 100 years.”

Ito ang pangako na binitiwan ni Davao Del Norte Provincial Governor Anthony Del Rosario, Jr. kahapon sa pormal na paglulunsad ng 2016 Philippine National Youth Games-Batang Pinoy National Championships sa Davao Del Norte Sports and Tourism Park.

“We are focus and committed on the grassroots sports development in line with the Philippine Sports Commission (PSC) under the direction of Chairman William “Butch” Ramirez,” pahayag ni Del Rosario.

“Masaya kami at mas maraming kabataan sa Mindanao area ang makakasali at hindi na gagastos ng malaki para maipakita nila ang kanilang talento at maabot ang kanilang ambisyon na makakuha ng mabuting edukasyon sa pamamagitan ng sports,” aniya.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

“Kung mayroon lamang na sariling Olympics ang Pilipinas, kami na ang mangunguna na mag-host every year at kung pupuwede ay lahat ng malalakingsports event ay dito sa aming lugar ganapin,” pahayag ng dating House Committee Chairman on Youth and Sports.

“The more our athletes were exposed to high caliber tournament, the more our citizen will become better and good citizens of our country,” sambit ni Del Rosario.

Ikinatuwa naman ng PSC sa pamumuno nina Commissioner-In-charge Celia Kiram, Batang Pinoy overall project coordinator at Executive Assistant to Chairman Ronnel Abrenica at Research and Planning Division head Dr. Lauro Domingo Jr., ang pahayag ng butihing Gobernador.

“Truly world standard ang hosting ng Tagum City at Davao Del Norte because this is my first time na makakita ng isang buong plano para sa security at transportation para sa mas madaling pagpunta at pagbalik ng mga atleta sa mga paglalaruang venue,” pahayag ni Kiram.

Iginiit ni Del Rosario na handa ang lalawigan maging sa mga international tournament tulad ng Southeast Asian Games.

(Angie Oredo)