Tinapos na ng House Committee on Constitutional Amendments na pinamumunuan ni Rep. Roger Mercado (Lone District, Southern Leyte), ang sunud-sunod na public consultations tungkol sa panukalang susog sa Konstitusyon o Charter change, matapos makuha ang opinyon at pananaw ng mga kinatawan ng siyam na sektor at resource persons mula sa sampung ahensya at institusyon.

Ayon kay Mercado, kinunsulta nila ang mga kinatawan ng urban poor, non-government organizations, research institutions, indigenous peoples, farmers and fisherfolk, youth, labor, education, at professionals.

Kabilang sa mga sektor na kinunsulta ng komite ang Centrist Democracy Political Institute (CDPI); Center for Scientific Research and Strategic Development. Inc. (CSRSDI); Institute for Autonomy and Governance (IAG); Caucus of Development NGO Networks (CODE-NGO); National Movement for Free Elections (NAMFREL); Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV); National Commission on Indigenous Peoples (NCIP); Legal Rights and Natural Resources – Kasama sa Kalikasan/Friends of the Earth Philippines; Party-list groups Bayan Muna, ANAC-IP, Sagip and COOP NATCCO; Department of Agriculture (DA); Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR); Unyon ng mga Maggagawa sa Agrikultura; National Youth Commission (NYC), Department of Labor and Employment (DOLE); Philippine Overseas Employment Administration (POEA); Trade Union Congress of the Philippines (TUCP); Commission on Higher Education (CHED); Philippine Association of State Colleges and Universities (PASCU); at Institute of Integrated Electric Engineers of the Philippines. (Bert de Guzman)

Vic Sotto, nasaktan sa ginawa ng TAPE sa Eat Bulaga