Sa tabi mismo ng kanyang anak na babae binaril at napatay ng hindi nakilalang lalaki ang isang ginang na pinasok sa loob ng bahay nito sa Tondo, Maynila, nitong Biyernes ng gabi.

Nasawi habang inooperahan sa Mary Johnston Hospital si Blesa Pugal, 35, ng Prudencia Street, Tondo.

Tinutugis naman na ng mga awtoridad ang suspek na nasa 30 ang edad, nasa limang talampakan ang taas, balingkinitan, nakasuot ng dilaw na jacket na may nakaimprentang “Nazareno”, asul na maong shorts, at armado ng hindi batid na kalibre ng baril.

Sa imbestigasyon ni SPO4 Glenzor Vallejo, ng Manila Police District-Crimes Against Persons Investigation Section (MPD-CAPIS), nabatid na dakong 6:40 ng gabi at nakahiga sa sofa si Pugal katabi at kakuwentuhan ang anak niya nang pasukin sila ng suspek at barilin ang ginang.

‘Messenger.com,’ hindi na magagamit simula Abril 2026

Inaalam pa ang motibo sa pamamaslang at ang pagkakakilanlan ng suspek. (Mary Ann Santiago)