VERO BEACH, Fla. (AP) – Ang pagpapakamatay ng isang bumbero sa Florida na kilala sa kanyang katapangan at positibong pananaw, ay nagbigay-pansin sa post-traumatic stress disorder (PSTD) sa kanyang propesyon.
Isang Sabado nitong nakaraang buwan, nagpaskil si Vero Beach Battalion Chief David Dangerfield ng mensahe tungkol sa PTSD sa Facebook bago nagtungo sa kakahuyan at binaril ang kanyang sarili.
Tinataya ng Firefighter Behavioral Health Alliance na halos 30 porsiyento ng 1.3 milyong career at volunteer firefighters ang dumaranas ng PTSD. May 132 aktibo at dating US firefighters at paramedics naman ang iniulat na nagpakamatay noong nakaraang taon.
Mayroon nang mga pambansang pagsisikap upang sanayin ang mga bumbero na matukoy ang PTSD at alisin ang stigma sa paghingi ng tulong dahil dito.