STO. TOMAS, Batangas – Dalawang pasahero, kabilang ang isang taong gulang na babae, ang nasawi at 18 iba pa ang nasugatan makaraang sumalpok ang sinasakyan nilang pampasaherong bus sa isang ten-wheeler truck sa Sto. Tomas, Batangas, kahapon ng umaga.

Kinilala ni Insp. Hazel Luma-ang, information officer ng Batangas Police Provincial Office (BPPO), ang biktimang si Alonica Razo, isang taong gulang; at isang hindi pa nakikilalang babae na nakasuot ng asul na maong pants, gray T-shirt, asul na jacket at itim na sapatos na nasa edad 30-35, at may limang talampakan ang taas.

Sugatan naman sina Rafaela Tamundong, 24; Analbu Dan, 31; Chirstel Dimaano y Marasigan, 29; Antonio Delos Reyes, 54; Monica Razo, 27; Danica Politico, 19; Mark Russel Roberto, 22; Ronal Moroña, 33; Jecel Custodio, 22; Ruben Barling, 50; Ricardo Delos Reyes, 63; Shirley De Castro, 39; Dolores Lova, 29; Manilyn Badino, 28; Andrea Cocamas, 56; John Dizon, 29 anyos.

Ayon sa report, nangyari ang aksidente sa Daang Maharlika Highway sa Barangay San Vicente, dakong 5:35 ng umaga.

Probinsya

13-anyos na babae, hinalay matapos mangaroling

Nag-over take ang 10-wheeler truck at inokupa ang kabilang lane kaya nakasalpukan nito ang Hino truck bus (DVN-934) na minamaneho ni Joey Anthony Cruz, 46 anyos.

Isinugod sa CP Reyes Hospital sa Tanauan City si Cruz, habang sa St. Frances Cabrini Hospital naman sa Sto. Tomas naka-confine ang driver ng truck na si Arnel Remoto, 36 anyos.

Patungong Alabang, Muntinlupa City ang bus galing sa Lucena City, Quezon, habang papunta namang Cabuyao, Laguna ang truck, ayon sa report. (LYKA MANALO)