HILLA, Iraq (Reuters) – Patay ang may 100 katao, karamihan ay Iranian Shi’ite pilgrims, sa pag-atake ng isang suicide truck sa isang gasolinahan sa lungsod ng Hilla, may 100 kilometro sa timog ng Baghdad noong Huwebes. Inako ng Islamic State ang pag-atake.

Pabalik na ang mga pilgrim sa Iran mula sa banal na lungsod ng Iraqi Shi’ite sa Kerbala, kung saan ginunita nila ang Arbaeen, ang 40th anniversary ng pagluluksa sa pagpatay kay Imam Hussein, ang apo ni Prophet Mohammad, noong 7th century AD.

Ang gasolinahan ay mayroong restaurant sa bakuran nito na sikat sa mga biyahero. Limang pilgrim bus ang nasunog sa pagsambulat ng truck na may kargang pampasabog, ayon sa pulisya.

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina