MELBOURNE – Matikas ang iskor nina Miguel Tabuena at Angelo Que ng Pilipinas sa natipang 67, ngunit nanatiling nasa malayong distansiya ng lider sa ikalawang round ng World Cup of Golf sa Kingston Heath Golf Club nitong Biyernes (Sabado sa Manila).

Nangunguna ang tambalan nina Soren Kjeldsen at Thorbjorn Olesen ng Denmark sa naiskor na 60 para sa kabuuang 132 at tatlong stroke na bentahe kina Wu Ashun at Haotong Li ng China (65).

Laglag sa ikatlong puwesto ang overnight leader na sina Rafa Cabrera-Bello at Jon Rahm ng Spain sa natipang 67 sa four-ball para sa kabuuang 136.

Naitala nina Tabuena at Que ang pitong birdie laban sa dalawang bogey, ngunit nanatiling malayo sa unahan tangan ang kabuuang 144.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

“I’m like a train, I arrive on time. He’s the flashy one with an amazing game,” pahayag ni Kjeldsen.

“This is my favorite type of golf. You’ve got to control the ball and look at the angles. You don’t just get up and whack it, you’ve got to think your way around.”

Pumuntos naman ang tambalan nina Rickie Fowler at Jimmy Walker ng US sa five-under 67 para makisosyo sa ikaapat.

Kasama nila na may kabuuang 137 puntos sina Chris Wood at Andy Sullivan ng England (66), Francesco Molinari at Matteo Manassero ng Italy (66) at Victor Dubuisson at Romain Langasque ng France (67).