HUMINGI ng paumanhin si Lindsay Lohan sa hindi niya pagdalo sa pagbubukas ng Christmas light sa isang bayan sa U.K. na siya ang napiling artista para magpailaw.
Nag-post ang aktres ng video sa Twitter at sinabi na hindi siya makakadalo sa event sa Kettering nitong Huwebes dahil sa kanyang “busy schedule.”
Nagsimulang maugnay si Lohan sa naturang bayan na matatagpuan 80 miles (130 km) sa norte ng London noong Hunyo 23, gabi ng European Union membership referendum ng Britain. Sa sunud-sunod na mga tweet tungkol sa pagboto sa buong Britian, nag-post siya ng: “Sorry but Kettering where are you?”
Nag-udyok ang pangyayari para imbitahan si Lohan ng lokal na mambabatas na si Philip Hollobone upang magbukas ng festive lights ng Kettering.
Inihayag naman ng Kettering Borough Council na si chief David Cook na ang mga lokal na awtoridad ay “appreciate how hard she and her team tried to make this work and we were delighted to get a video message wishing us well.” (AP)