Madali nang masilip o makahingi ng dokumento sa mga ahensiya ng gobyerno matapos ang pormal na paglulunsad kahapon ng Malacañang sa electronic site para sa freedom of information (eFOI).

Sinabi ni Communications Assistant Secretary Kris Ablan na kasabay ito ng paggunita sa ika-120 araw ng paglagda ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Executive Order ng Freedom of Information (FOI) para sa mga tanggapan na nasa ilalim ng Office of the President (OP).

Sa kasalukuyan ay 15 government agencies ang mayroon nang eFOI na maaaring makita sa government website na www.FOI.gov.ph.

Gayunman, exempted sa eFOI ang impormasyong saklaw ng executive privilege gaya ng usapin sa national security, defense at international relations, impormasyon sa law enforcement at protection of public and personal safety at mga impormasyong may kinalaman sa proteksyon ng privacy ng ilang indibidwal gaya ng mga menor-de-edad, biktima ng mga karahasan at maging ang mga akusado.

National

DOH, nakapagtala ng 17 firework-related injuries sa loob lamang ng 24 oras

Hindi rin saklaw ng eFOI ang impormasyon, dokumento o records na confidential; prejudicial, premature disclosure; records ng proceedings o impormasyon mula sa proceedings na itinuturing na confidential o privileged; mga confidential sa ilalim ng batas ng banking and finance at iba pang bawal isapubliko batay sa mga jurisprudence o nadesisyunan na ng korte. - Beth Camia