Ni Edwin Rollon

IKAW NA! Binati ni dating IOC representative to the Philippines Frank Elizalde (kaliwa) si Peping Cojuangco matapos mailuklok sa ikaapat na termino bilang pangulo ng Philippine Olympic Committee (POC). (RIO DELUVIO)
IKAW NA! Binati ni dating IOC representative to the Philippines Frank Elizalde (kaliwa) si Peping Cojuangco matapos mailuklok sa ikaapat na termino bilang pangulo ng Philippine Olympic Committee (POC). (RIO DELUVIO)
Hindi nakarating sa majority membership ng Philippine Olympic Committee (POC) ang hinaing na pagbabago sa Philippine Sports nang muling iluklok sa ika-apat na termino bilang pangulo ng Olympic body si Jose ‘Peping’ Cojuangco.

Sa botong 26 sa 40 voting member na dumalo sa eleksiyon kahapon sa Wack Wack Golf and Country Club, senelyuhan ng mga kaalyado ng dating Tarlac Congressman ang pananatili nito sa puwesto ‘unopposed’

Sa kawalan ng TRO (Temporary Restraining Order) na hahadlang sana kay Cojuangco matapos ibasura ng Pasig Regional Trial Court ang hiling ni Boxing president Ricky Vargas, naisagawa ang eleksiyon at naitala ni Cojuangco ang kasaysayan bilang pinakamatagal na naging pangulo ng POC.

Human-Interest

ALAMIN: Pagbibigay ng 13th month pay sa mga empleyado, paano nagsimula?

Unang nahalal si Cojuangco noong 2004.

Kinuwestyon ni Vargas ang ‘active membership’ na idinahilan ng POC Commission on Eelection para pigilan siyang tumakbo sa panguluhan ng Olympic body.

“Another sad day in Philippine sports,” pahayag ni dating athletics president Go Teng Kok, pinakamahigpit na kritiko ng POC leader.

Bukod kay Cojuangco, nanatili rin sa puwesto ang kanyang mga kaalyado.

Tinalo ni Joey Romasanta,pangulo ng karatedo at volleyball, si Rep. Albie Benitez ng badminton, 23-11, habang napanatili ni Jeff Tamayo ng soft tennis ang kapit sa second vice president laban kay Lucas Managuelod ng muay thai, 26-11.

Nanatiling treasurer si Julian Camacho ng wushu kontra kay basketball Renauld ‘Sonny’ Barrios, 25-12.

Nanalo namang ‘unopposed’ si Jonne Go ng canoe kayak bilang auditor.

Kabilang naman sa board member sina Jesus Clint Aranas ng archery (30 votes), Cynthia Carrion ng gymnastics (30), Robert Mananquil ng billiards and snooker (28), at Rep. Prospero Pichay ng chess (27).

Kabilang si Vargas sa tatlong miyembro na hindi sumipot sa election.