Dalawang laro pa lang ang natatapos ng Azkals sa kasalukuyang 2016 AFF Suzuki Cup, ngunit sapat na ito para makaangat ang Philippine football team sa world ranking ng FIFA.

Sa pinakabagong ranking report, tumaas ang Azkals sa 117th mula sa dating 124th puwesto sa world.

Nakapagbigay ng ayuda sa Azkals ang 1-0 panalo kontra sa Kyrgyztsan sa friendly match bago ang Suzuki Cup.

Bunsod nito, nanatili ang Azkals na nangunguna sa Southeast Asian ranking, habang nakapasok ang bansa sa top 10 ng AFC (Asian Football Confederation) sa likod ng ninth-place Jordan, na may 109th world rank.

Tatay kay Karl Eldrew: 'Tahimik mong ipanalo mga pangarap mo, dito kami ng Mama mo!'

Sa kasalukuyan, matikas ang kampanya ng Azkals na umayuda sa scoreless draw kontra Singapore at 2-2 draw kontra sa Indonesia.

Haharapin ng azkals ang Thailand Biyernes ng gabi kung saan kailangan nilang magwagi para makausad sa semifinals ng Suzuki Cup.