Andrea Brillantes
Andrea Brillantes
SA kauna-unahang pagkakataon ay gaganap si Andrea Brillantes bilang lesbian inmate na nasangkot bilang accomplice sa krimen ng kanyang tiyuhin sa natatanging episode ng Maalaala Mo Kaya na mapapanood ngayong gabi.

Lumaki si Gwen (Andrea) sa isang mayaman at maimpluwesyang political clan. Sa kabila ng karangyaang tinatamasa ay nangungulila pa rin siya sa pagmamahal at pag-aaruga ng kanyang ina, na hindi siya tanggap dahil sa kanyang seksuwalidad at pagpapabaya sa pag-aaral.

Dahil sa mga nararanasan niya ay nagsimulang magbago ang tingin niya sa kanyang pamilya. Labag man sa kanyang kalooban, hindi inaasahan ay nasangkot siya sa krimen ng kanyang tiyuhin. Ilang buwan silang nagtago sa bundok.

Pero binabagabag na si Gwen ng kanyang konsensiya, kaya susuko siya sa mga alagad ng batas at pipiliing pagbayaran ang kanyang pagkakamali sa loob ng correctional.

Relasyon at Hiwalayan

Julia, walang ideya sa pagtulong ni Gerald sa mga biktima ng bagyo

Paano haharapin ni Gwen ang bago niyang buhay sa loob ng kulungan? Makuha pa kaya niya ang inaasam na pagtanggap sa kanya ng kanyang ina?

Makakasama ni Andrea sa MMK ngayong gabi sina Dante Rivero , TJ Trinidad, Rochelle Barrameda, Hero Angeles, Patrick Sugui, Erin Ocampo, Carla Martinez at Faye Alhambra, mula sa panulat nina Joan Habana at Arah Badayos at sa direksiyon ni Frasco Mortiz.

Panoorin ang longest-running drama anthology sa Asya tuwing Sabado ng gabi sa ABS-CBN o ABS-CBN HD (SkyCable ch 167). Panoorin nang libre ang latest episodes nito sa iwantv.com.ph o skyondemand.com.ph para sa Sky subscribers.