Nobyembre 25, 1952 nang ipalabas ang murder-mystery na “The Mousetrap” na isinulat ng novelist at playwright na si Agatha Christie sa Ambassadors Theatre sa London, United Kingdom. Ito ay pinanood ng 453 katao.

Ito ay orihinal na isinulat ni Christie para kat Queen Mary, asawa ng yumaong si King George V at ito ay may pamagat na “Three Blind Mice.” Ito ay isang 30-minute radio play para sa ika-80 kaarawan ng reyna noong 1947. Matapos noon ay dinugtungan ito ni Christie at pinalitan ng pamagat.

Hindi nagtagal ang “The Mousetrap” ang pinakamahabang play sa kasaysayan: ito ay may mahigit 20,000 pagtatanghal, sa ngayon, sa London’s West End na dinaluhan ng mahigit 10 milyong manonood.

Human-Interest

Kompanya, pinapahanap breadwinner na naiyak sa regalong panty ng nanay niya